Panibugho’t Pagmumulto

Binangungot nanaman ako kagabi.

Napanaginipan kong masaya tayo’t magkasama.

Bakit ba na kahit anong pilit kong talikuran ang alaala mo,

siya naman ang patuloy na pagmumulto nito.

Kailan ba ako titigilan ng aking pusong patuloy na nagaasam na makapiling ka?

Kailan ba ako tatantanan ng pag-asa na may hinaharap pa tayo?

Kailan ba titigil itong pagdarahop ng aking puso?

Bakit nga ba na kahit nagkakaganito ako, nakukumpleto pa rin ng mga alaala mo ang araw ko…

Tang ina naman oh.

There are no comments on this post

Leave a Reply